(Homily delivered by Rev. John Stephen P. Besa, OP in Santo Domingo Church, Quezon City, PHILIPPINES)
December 11, 2013
Wednesday
Matthew 11: 28-30
Stress
ka na ba?
Marami
sa atin, nabibigatan, napapagod, at nahihirapan.
Lord,
nabibigatan na po ako sa pasaway kong asawa’t mga anak isama mo pa ang aking boss
sa trabaho.
Lord,
napapagod na po ako sa sa walang sawang pag-aaral upang makasagot sa maraming
exams sa pilosopiya at teolohiya.
Lord,
nahihirapan na po ako makipagsapalaran sa buhay at minsan sa karamdaman.
Mabigat.
Nakakapagod. Mahirap.
Kaya
naman eksakto ang paanyaya ng Ebanghelyo ayon kay San Mateo sa araw na ito.
“Come to me, all you
who labor and overburdened and I will give you rest”
(Magsiparito sa akin, kayong lahat na
nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin)
Ang
pambungad na paanyaya ni Kristo sa atin ay “to
come” “magparito” ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon natin ng distansiya o
agwat sa Diyos.
Alam
niyo po mga kapatid, bukod tangi lamang po ang mga verses na ito sa Ebanghelyo
ni San Mateo, ibig sabihin, hindi po ito matatagpuan sa iba pang Ebanghelyo. At kung atin pong babalikan ang original sense ng ating Ebanghelyo,
ating matutunghayan na ang paanyaya ni Kristo ay para po sa mga “outsiders”, o yung “taga labas” ang mga
hindi pa kabilang sa mga disipulo ni
Kristo, ang mga hindi pa naniniwala kay Kristo.
Sa
akin naman pong palagay, lahat tayo dito ay tumugon sa paanyayaya ni Kristo na
lumapit sa kanya “to come”
“magparito” . Hindi na po tayo “outsiders”, my brothers and sisters “insiders” na po tayo. Kung tutuusin
nga po, close na po tayo sa Diyos sapagkat inaaraw-araw natin ang paglapit sa Diyos, minsan
pa nga po mas nauuna pa po kayo sa amin dito sa simbahan upang lumapit sa
Diyos. Masasabi natin na ang lapit na natin sa Diyos.
Subalit
ang ating Ebanghelyo ay hindi natatapos sa paanyayang : to come!, ito ay sinusundan ng isa pang action word “to take” “take my yoke upon you”, mas
madadama natin sa saling-tagalog. . .“pasanin ninyo ang aking pamatok.”
Papaanong
mabibigyan tayo ng kapahingahan gayong may papasanin naman pala? Kung nakinig ho
kayo sa ating first reading from Isaiah nabanggit po doon “that the Lord gives strength to the wearied and strengthen the
powerless” (nagbibigay ng lakas sa mga nanghihina, nagbibigay ng kalakasan
sa mga wala ng lakas).
Ginamit
din po ang salitang yoke sa tagalong ho ay “pamaatok”
na karaniwang ginagamit sa mga hayop na tumutulong sa pag-aararo ng mga
sakahan. Hindi po ito yung araro, iba po iyon, ito po yung kahoy na nakapatong
sa batok ng hayop habang nagaararo. Ang pamatok ay sumisimbolo ng dalawang
bagay, una, ang pagtatrabaho sa sakahan at pangalawa, ang pagsunod sa kanyang
amo. Ito sumakatuwid ay simbolo ng paggalaw at simbolo ng pagsunod, isang hamon upang sumunod at magkaroon ng buhay kasama si Kristo.
Marami
sa atin hirap sumunod. Kaya siguro tayo nahihirapan sa ating karamdaman ay
dahil hindi tayo sumusunod sa payo ng mga duktor. Kaya siguro nawawala na ang ating
bokasyon ay dahil hindi tayo sumusunod sa ating mga formators. Kaya siguro
nalulunod na tayo sa kasalanan ay dahil ginawa na nating hobby ang magkasala.
Marami
sa atin lapit ng lapit sa Diyos ngunit hindi naman sumusunod. Maraming dasal ng
dasal ngunit tsismis naman ng tsismis. Araw-araw kung magsimba ngunit simangot
naman ng simangot.
Ang
mga katoliko ngayon lapit lang ng lapit sa Diyos ngunit ayaw sumusunod.
Malinaw
sa ating Ebanghelyo na ang ating relasyon sa Diyos ay hindi natatapos sa
paglapit, ito ay nagpapatuloy sa “pagsunod.”
Pagsunod sa kanyang mga aral at gawa.
Sa
akin pong 11 years sa seminaryo marami na pong instances na ako ay naiistress –
mahirap, mabigat, nakakapagod. Subalit patuloy kong nalampasan ang lahat ng
ito, sa dalawang rason, lumalapit ako sa Diyos, at sumusunod ako sa Diyos.
Napapanahon
din ngayong panahon ng advent, habang
tayo ay malugod na naghihintay sa pagdating ng ating Panginoon, na huwag lang tayong lumapit sa Diyos, sumunod
din tayo sa kanyang salita at gawa.
Dahil
ang tunay na kapahingaan at kaginhawaan ay hindi ang kawalan ng ginagawa ngunit
ang pagsunod sa Diyos, pagsunod sa kanyang salita at gawa.
Stress
ka pa rin ba?
Lapit
lang sa Diyos at sumunod lang sa Diyos.
No comments:
Post a Comment