Monday, December 23, 2013

SINO YANG KASAMA MO?!

HOMILY OUTLINE
Luke 1: 57-66
December 23, 2013
4:00 AM Mass
Santo Domingo Church, Quezon City

SINO YANG KASAMA MO?!

Main Message: Sumasa atin ang Panginoon kung tayo ay mayroong humbleness, gratefulness, at goodness.  


GREETINGS
Good morning!
Sabihin mo sa katabi mo: “Kapatid, nagtoothbrush ka ba?”
Tayo ay nasa ika-walong araw n gating misa de gallo
Dalawang tulog nalang pasko na!
Kapag magpaapsko:
         Traffic, sa sobrang traffic nga new year ka na darating sa pupuntahan mo
Siksikan sa mga public transportation, MRT: dapat pagbaba mo ng MRT kapain mo yung mukha mo kasi baka nagkapalit kayo ng katabi mo kanina.

MOTIVATION
Ngayong ika-walong araw na ng misa de gallo:
Ang lahat ng mga may kahilingan na hinihingi sa ating Panginoon, pumalakpak!
Ang lahat ng mga natupad na ang kahilingan, pumalakpak!
Ang lahat ng umaasa pa na mabibigay ang kanilang panalangin, pumalakpak!
Kahilingan samples: gumada, manalo sa lotto, mabigyan ng visa.

ANG KUWENTO NG BATANG HUMIHINGI NG BIKE

NGAYONG PAPARATING NA ANG PASKO, HILINGIN NATIN NA MAKASAMA ANG DIYOS SA ATING BUHAY

SABIHIN MO SA KATABI MO: “SINO YANG KASAMA MO?”
Dapat kasama natin ang Diyos: sa trabaho, sa pag-aaral, sa pamilya

SA ATING EBANGHELYO AYON KAY SAN LUKAS
Pare-parehong sinama nina Zachrias, Elisabeth, at John ang Panginoon sa kanilang mga buhay, kaya nagkaroon ng himala.
Himala na nakapagsalita pa si Zacharias
Himala na nagkaroon pa ng anak si Elisabeth
Himala na nabuhay si Juan bautista

SA HULING BAHAGI NG EBANGHELYO
Magiging ano nga kaya ang batang ito, gayo’y sumasakanya ang Panginoon?
Ang hirap sa atin, magpapasko na, hindi pa rin si Kristo ng kasama kundi si Satanas.
Ginawa na nating hobby ang pagiging masama
Ginawa na nating kabarkada si Satanas

COMICAL
Nakita niiyo na ba si Satanas? Tumingin kayo sa katabi ninyo

UNA, MAKAKASAMA NATIN ANG DIYOS KAPAG HUMBLE KA
Paki ulit po, HUMBLENESS
Konti nalang ang humble ngayon, tanungin niyo ako kung bakit.
Lahat gusto sila ang magaling, pagalingan

Naalala ko tuloy yung kuwento ng pabilisan. . .wala kayo sa lolo ko
Unang lolo, Archer: papanain yung mansanas pero hahabulin yung bala sabay itutusok sa mansanas, palakpakan.
Ikalawang lolo, Call: tatawag yung lolo ko, kunwari siya ay nasa Santo Domingo at tatawagan niya yung taga Pasay pero sa sobrang bilis siya rin ang sasagot sa kabilang linya, palakpakan.
Ikatlong lolo, Runner. Wala kayo sa lolo ko, yung lolo ko mabilis tumakbo sa oval, sa sobrang bilis ng lolo ko nababangga na niya yung likuran niya.

Ngayong pasko, maging humble ka, dahil kung hindi ka humble, hindi mo kasam ang Diyos at kung hindi mo kasama ang Diyos, “sino yang kasama mo?”

PANGALAWA, MAKAKASAMA NATIN ANG DIYOS KAPAG GRATEFUL KA
Paki uli po, gratefulness
Kung pangit ka magpasalamat ka at least hindi ka malulugi
Kung may eyebags ka, ipagmalaki mo kasi pinagpuyatan mo yan
Kung mataba ka magpasalamat ka kasi, hindi ka magmumukhang gutom
Kung payat ka magpasalamat ka, kasi hindi mo na kailangan ng xray, flashlight lang makikita na ang lamang loob mo.

Kung reklamador ka, hindi mo kasama ang Diyos at kung hindi mo kasama ang Diyos, “sino yang kasama mo?”

PANGATLO, GOODNESS
Pakiulit po, goodness

Kung holdaper ka, magbago ka na
Kung snatcher ka, magbago ka na
Kung pasaway ka, magbago ka na
Kung maldita ka, (Anne Curtis line: “I can buy you, your friends, and this club), mgbago ka na

SUMASA ATIN ANG PANGINOON LALO NA NGAYONG PASKO KAPAG MAY
HUMBLENESS
GRATEFULNESS
GOODNESS

KAPAG WALANG HUMBLENESS, GRATEFULNESS AT GOODNESS WALA SA ATIN ANG DIYOS AT KUNG WALA SA ATIN ANG DIYOS


“SINO YANG KASAMA MO?” (From the currently famous movie Pagpag)

1 comment: